1. Iisá lang ang kabán mo ng palay. Alín ang uunahin mo? Pakainin ang iyóng
pamilya ngayón o itaním ang palay upang may kakainin ang iyong pamilya sa
hináharáp?
Answers: • You have one and only one kaban of palay. Which will you do first?
Feed your family today or plant the palay, so that your family will have
something to eat in the future?
2. Ang número unong kaaway ng pag-unlád ng Pilipino ay ang kawalán ng interés,
ang kawalán ng pakialám, ang hindî pagkilos.
Answers: • The number one enemy of progress for the Filipino is the lack of
interest, the lack of concern, the lack of action.
3. It's over.
Answers: • Natapos na.
4. Basa ang maleta ko dahil umuulan.
Answers: • My suitcase is wet because it’s raining.
5. Inimbento ng mga Austronesyano ang sasakyáng-dagat na may katig at layág at
umabot silá sa Luzon noóng 4,000-3,000 BCE, dalá ang kalinangan ng palay at mga
wikang Austronesyano.
Answers: • The Austronesians invented a seafaring vessel with outrigger and
sail, and they reached Luzon 4,000 - 3,000 BCE, bringing rice culture and the
Austronesian languages.
6. Ipinangakò ninyóng Huwebes handâ ang aking kotse. Biyernes na ngayón. Hindî
pa handâ ang coche. Kailán ko itó makukuha?
Answers: • You promised my car would be ready on Thursday. It's already Friday.
The car is not ready. When will I be able to get it?
7. Sino kaya ang nagbigay sa kanya ng regalo?
Answers: • I wonder who gave her a gift?
8. Sana maunawaan ni Joan na hindi talaga ko makakarating sa kaarawan nya.
Answers: • I hope Joan would understand that I won't make it to her birthday.
9. Mayroon ka bang gagawin mamaya?
Answers: • Do you have something to do later?
10. Which of the following options is the best translation for this sentence: "Gumawa
ng maraming sopas si Susan para sa kanyang pinakamamahal na anak."
Answers: • Susan made lots of soup for her beloved son.
11. Inaanyayahan kitang dumalo sa gaganaping pagtitipon sa aking kaarawan.
Answers: • I am inviting you to my birthday party.
12. Ang mga Bicolano ay mahilig sa putaheng may sili at gata.
Answers: • Bicol natives love delicacies with chilli pepper and coconut milk.
13. Sana ay maka-dalaw ka sa aking opisina para mapag-usapan natin ang negosyong
binabalak mong simulan.
Answers: • I hope you can visit me at my office, so we can talk about the
business that you're planning to start.
14. Bakit mo binasag ang paborito kong pinggan?
Answers: • Why did you break my favorite plate?
15. I have to go because it's my job.
Answers: • Kailangang umalis ako dahil trabaho ko ito.
16. Bihira ka lang makakakita ng paru-paro sa syudad.
Answers: • You seldom see butterflies in the city.
17. Ano ang pinakamasarap na pagkain sa probinsiyang ito?
Answers: • What is the best delicacy in this province?
18. Anong sabi mo? Hindi kita maintindihan. Lunukin mo muna ang pagkain.
Answers: • What did you say? I can't understand you. Swallow your food first.
19. Mahuhuli ako ng dating sa ating pagpupulong.
Answers: • I will be late for the meeting.
20. Anong oras hinahain ang meryenda?
Answers: • What time are snacks served?
21. Mas madaling matatapos ang trabaho kung magtutulungan tayo.
Answers: • The work will be done faster if we help each other.
22. Ang mga Pilipino ay mahilig kumanta
Answers: • Filipinos love to sing.
23. Ibinilin ng doktor na iwasan niya ang matataba, matatamis at maaalat na
pagkain.
Answers: • The doctor told him to avoid fatty, salty, and sweet foods.
24. Anong buwan sumasapit ang tag-ulan dito sa Pilipinas?
Answers: • What month does the rainy season fall here in the Philippines?
25. Malapit lang ang bahay ko sa aking pinapasukang trabaho.
Answers: • My house is near my workplace.
26. Mátirá ang matibay. Sa kabilâ ng anumang kahirapan, magtítiís ang Pilipino
at gagawâ ng anumáng kailangan upang makaahon sa kahirapan.
Answers: • The strong will survive. In spite of any hardship, the Filipino will
be patient and will do whatever is necessary to get over the hardship.
27. Siguraaduhin mong naisara mo lahat ng pintuan bago ka umalis ng bahay.
Answers: • Make sure that you were able to lock all the doors before you leave
the house.
28. Ang mga kabataan ngayon ay naliligaw ng landas dahil sa impluwensya ng mga
barkada.
Answers: • The youth nowadays are going astray because of peer pressure.
29. Maraming mahúhusay na Pilipino. Kung pagsásamá-samahin ang kahusayan,
maraming malalakÃng bagay ang magágampanán para sa bayan.
Answers: • There are many skillful Filipinos. If they put their skillfulness
together, they can accomplish many great things for the country.
30. Maraming tubig sa Pilipinas: may ilog, lawà at dagat, kayâ maraming
mahuhuling isdâ.
Answers: • The Philippines has many bodies of water: rivers, lakes and
seas--that is why there is a lot of fish to catch.
31. Isáng dahilán kung bakit hindî kayang makipagtalastasan ng maraming Pilipino
na hindî nag-aaway o nagtátampuhan: hináhaluan ng damdamin ang usapan.
Answers: • One reason many Filipinos cannot have a discussion without getting
into a fight or getting hurt feelings is they bring emotion into the discussion.
32. Saan ba nakakabili nang mas murang kalan?
Answers: • Where can I buy a cheaper stove?
33. Nagbabago ngâ raw, pero ganoón pa rin namán.
Answers: • They say it indeed changes, but it's really still the same.
34. Sagabal sa pakikisama ang mababang EQ. Maraming magagalíng at matatalinong
tao ang mababà ang EQ. Di nilá kayang harapín ang di-sumásang-ayon sa kanilá.
Gustó nilá lagì siláng tamà at silá lang. Di silá marunong ng teamwork.
Answers: • A low EQ is an obstacle to getting along. Many smart and intelligent
persons have a low EQ. They cannot handle those who oppose them. They want to be
always right, only they are right. They do not know how to do teamwork.
35. Magandang tingnan ang kulay kahel na pintura sa dingding ng iyong kwarto.
Answers: • Orange paint looks good on the walls of your room.
36. Hindî mo masasabing walâ roón. Ang masasabi mo lang ay hindî mo nakita.
Answers: • You can't say it's not there. You can only say you didn't see it.
37. Saan ka nakabili ng ganyang kagandang damit?
Answers: • Where did you buy a beautiful dress like that?
38. Bumibili ako ng bulaklak dahil bibisita ako sa lola ko ngayong hapon.
Answers: • I’m buying flowers because I’m visiting my grandmother this
afternoon.
39. Ang isang miyembro ng kanilang pangkat ay may sakit.
Answers: • One of the members of their group is sick.
40. Mahirap kumita ng pera lalo na kung ikaw ay matanda na.
Answers: • It is difficult to earn money especially if you are already old.
41. Sa Marikina gawa ang pinakamagagandang sapatos sa Pilipinas.
Answers: • The most beautiful shoes in the Philippines are made in Marikina.
42. Plenty of beautiful places in the Philippines.
Answers: • Maraming magagandang lugar sa pilipinas.
43. Gusto kong kumonsulta sa doktor dahil kagabi pa ako hindi makatulog sa
sobrang sakit ng kasu-kasuhan ko.
Answers: • I want to consult a doctor, because I can't sleep since last night
due to my severely aching joints.
44. Choose the correct usage of Tagalog Punctuation.
Answers: • Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang.
45. Alam mo ba ang address?
Answers: • Do you know the address?
46. Naroón ang mga ninunò ng mga Austronesyano nang unang matutunang linangín ng
tao ang palay. Nangyari itó noóng 6,900 - 6,600 BCE malapit sa Zhejiang, China.
Answers: • The ancestors of the Austronesians were there, when man first learned
to cultivate rice. This happened in 6,900 - 6,600 BCE, near Zhejiang, China.
47. Abala ka ba sa Linggo?
Answers: • Are you busy on Sunday?
48. Abala kami sa Sabado.
Answers: • We will be busy on Saturday.
49. Please wait for my return.
Answers: • Hintayin mo ang aking pagbabalik.
50. Huwag mong sasabihin kay Tatay na hindi ako pumasok sa klase ngayon.
Answers: • Don't tell father that I didn't attend my class today.
51. Madalas na ginagawa ang pagsasaka tuwing buwan ng Marso hanggang Mayo.
Answers: • Farming is usually done between the months of March and May.
52. Agosto sa loob ng dalawang buwan.
Answers: • In two months it will be August.
53. Natanggáp na namin ang iyóng mensahe at iimbestigahín ang iyóng inulat;
mag-iiwan kamí ng tugón sa lalong madalíng panahón.
Answers: • We have received your message and we will investigate what you
reported; we will leave you a reply as soon as possible.
54. Darating ba si Sarah ngayon?
Answers: • Is Sarah coming today?
55. Aalis na sila sa ospital.
Answers: • They’re leaving the hospital.
56. Hindi ka maaaring pumasok sa trabaho nang ganyan ang suot mo. Iisipin nila
na di ka marunong mamalantsa.
Answers: • You can't go to work wearing that. They'll think that you don't know
how to iron clothes.
57. Alam mo ba ang ibig sabihin nito?
Answers: • Do you know what this means?
58. Laging pinaparusahan si Simon ng kanyang ama sa tuwing umuuwi ito ng gabi
galing sa skwela.
Answers: • Simon is being punished by his father everytime he comes home late
from school.
59. Huwag mong ibibigay ang susi kaninoman, sa akin lang! Nagkakaintindihan ba
tayo Manuel?
Answers: • Do not give the key to anyone except me! Do you understand, Manuel?
60. Maaarì ka bang magbigáy ng mga karágdagang detalye sa amin, tulad ng mga
pangalan ng mga kasangkót na tao?
Answers: • Will you be able to give us additional details, like the names of
individuals involved?
61. Saan ako makakabili ng mga murang sapatos?
Answers: • Where can I buy some affordable shoes?
62. Ako ba talaga to?
Answers: • Is this really me?
63. Aalis po ako ngyayon.
Answers: • I will leave today.
64. Madalas kaming mamasyal sa may tabing-dagat sa gabi dahil malamig ang hangin.
Answers: • We frequently go to the seaside at night, because the wind is cool.
65. Huwag mong damihan ang asukal na ilalagay mo sa kape ko.
Answers: • Do not put too much sugar in my coffee.
66. Nilisan nina Ana at Susan ang liwasan nang makitang may paparating na
armadong kalalakihan.
Answers: • Ana and Susan left the park when they saw armed men approaching.
67. Huwag mong kalimutang magdala ng payong sa trabaho dahil mayroong bagyo.
Answers: • Do not forget to bring an umbrella to work, because there is a storm.
68. Hindi makapaniwala si Jane sa nangyari. Pinatay ng mga magnanakaw ang
kanyang ama sa kanyang harapan.
Answers: • Jane cannot believe what happened. The burglars killed her father in
front of her.
69. Mraming piyesta ang ipinagdririwang sa Pilipinas sa buwan ng Mayo.
Answers: • There's a lot of fiestas celebrated in the Philippines in the month
of May.
70. Gaano katagal bago dumating ang bus?
Answers: • How long will it take for the bus to arrive?
71. Hindi ako natuwa sa ipinakita niyang presentasyon.
Answers: • I am not happy with the presentation that he showed.
72. Labis akong nag-alala sayo nang malaman ko na ikaw ay nawalan ng malay
habang nagma-martsa sa ilalim ng araw.
Answers: • I was really worried about you when I learned that you lost your
consciousness while marching under the heat of the sun.
73. Alam ko ang ginawa mo.
Answers: • I know what you did.
74. Maaari mo akong tawagan mamayang hapon.
Answers: • You can call me later this afternoon.
75. Kaninong jacket itong kulay asul?
Answers: • Whose jacket is this blue one?
76. Kung nais mong matutong sumayaw, magpaturo ka kay Allan. Magaling siyang
mananayaw.
Answers: • If you want to learn how to dance, then you should ask Allan to teach
you. He is a good dancer.
77. Aalis po ako bukas.
Answers: • I am leaving tomorrow.
78. Mabuti na lang at hindi umulan kung hindi ay nabasa ang mga sinampay ko.
Answers: • It's good it didn't rain. If so, my clothes would be wet.
79. Hindi nasorpresa ang ate ni John sa kanyang regalo.
Answers: • John's sister was not suprised with his gift.
80. Kamusta ka na, kaibigan?
Answers: • How are you friend?
81. Alam ko ang gusto mong sabihin.
Answers: • I know what you mean.
82. Alam ko ang sagot sa iyong tanong.
Answers: • I know the answer to your question.
83. Ako (po) si John Smith.
Answers: • I am John Smith.
84. Saan ba ako makakabili ng tiket sa tren?
Answers: • Where can I buy a train ticket?
85. Saan pwedeng makagamit ng telepono?
Answers: • Where can I use a phone?
86. Magkano ang isang kilo ng mansanas?
Answers: • How much is a kilo of apples?
87. Hindi ako makaka-sama sa pagpunta niyo sa dagat dahil masama ang pakiramdam
ko.
Answers: • I can't join you in going to the beach, because I'm not feeling well.
88. Saan ko ipaparada ang sasakyan?
Answers: • Where will I park the car?
89. Hindi ko mahanap ang tamang daan papunta sa istasyon ng tren.
Answers: • I can't find the right way to the train station.
90. Maaari ba akong humingi ng isang baso ng malamig na tubig?
Answers: • Can I get a glass of cold water?
91. Mahilig ka ba sa mga maaanghang na pagkain?
Answers: • Do you like spicy foods?
92. Halo-halo ang paboritong meryenda ng mga Pilipino tuwing tag-init.
Answers: • Halo-halo is the most favorite snack of Filipinos during summer.
93. Iyán ang isáng bunga ng edukasyón. Edukado ang mga tao, nag-íisíp, ginágamit
ang utak.
Answers: • That is one result of education. People are educated, they think,
they use their brains.
94. Choose the correct translation of this sentence: "Pumunta ako sa bahay ng
aking lolo kahapon nang makita ko ang naiwan niyang pustiso sa aming bahay."
Answers: • I went to my grandfather's house yesterday when I saw he left his
dentures in our house.
95. Kung gaano lalong mauunawaan, ganoón lalong bibigyán ng halagá. Kung gaano
lalong bibigyán ng halagá, ganoón lalong mahihikayat na kumilos!
Answers: • The more you understand, the more you will appreciate. The more you
appreciate, the more you will be persuaded to take action.
96. Pick the appropriate translation: Noong gabi na di umano'y pumunta ka doon.
Answers: • The night you allegedly went there.
97. Kung ipagbíbilí ng mahigít na 33 % ng tao ang kaniláng boto sa eleksyón,
ituturing mo bang maybisà ang eleksyóng iyón? May kabuluhán ba ang boto ng taong
hindî alam ang mga isyu o naúunawaan ang mga iyón?
Answers: • If 33% of the people sell their vote during an election, will you
consider that election valid? Is the vote of a person who does not know the
issues or understands them meaningful?
98. Madalíng gumibâ, mahirap magtayô. Kung gígibaín ng sumúsunód na salinlahì
ang mga itinayô ng sinundáng salinlahì, halos lagì na lang nag-uumpisá at hindî
na halos susulong.
Answers: • It is easy to tear down, it is hard to build. If the next generation
tears down what the previous generation built, we will almost always be starting
over and almost never moving forward.
99. "Oo" ang sabi ng karaniwang Pilipino, kung: 1) hindî niyá alám; 2) siyá'y
naíinís; 3) gustó nang tapusin ang usapan; 4) hindî malinaw na naintindihán ang
nariníg o ang paksáng pinag-uusapan; o 5) mas marunong siyá sa taong nagsásalitâ.
Answers: • The typical Filipino will say "yes," when he or she: 1) does not
know; 2) is irritated; 3) wants to end the conversation; 4) does not clearly
understand what he or she heard or the conversation's topic; or 5) is smarter
than the person spea
100. Kung hindî ang mga taong mabubuti, matatalino, may malasakit sa bayan ang
papasok sa pulítika, sino ang pagpipilian sa eleksyón? Sino ang mamumunò sa
bayan?
Answers: • If the people who are good, smart and who care about the nation will
not enter politics, who will there be to choose from during elections? Who will
lead the nation?
101. Naníniwalà ka ba na umíinit ang mundo? Hindî ba dati nang may mga lindól,
pagputok ng bulkán at malulupít na bagyó? Dumádami at dumádalás ba ang mga itó,
o dî lang natin natátandaán ang mga nangyari sa nakalipas?
Answers: • Do you believe the earth is getting warmer? Have there not always
been earthquakes, volcanic eruptions and violent storms? Are these becoming more
numerous and more frequent, or do we just not remember what happened in the
past?
102. Hindî kasali sa buhay lipunan at ekonomiko ng bayan ang karaniwang mahirap
na Pilipino. Para lang siyáng nakatayô sa tabí at nanónoód sa parada ng mga
kasali.
Answers: • The common poor Filipino does not participate in the social and
economic life of the nation. He is like one just standing on the roadside and
watching the parade of those taking part.
103. Nakabuti ang internet sa mga Pilipino, dahil sa pagpapalaganap ng kaalaman
at pakikisali sa talastasan, pero ang mga dating hindî marunong mangatuwiran
batay sa mga datos ay ganoón pa rin.
Answers: • The internet has been beneficial to Filipinos, on account of the
dissemination of information and participation in discussion, but it has not
changed those who didn't know how to reason on the basis of facts.
104. Ang maraming mga problema ng Pilipinas ay hindî lang dahil sa íisáng bagay;
madami ang mga dahilán at sanhî ng mga problema, kayâ dî malúlutás ng simple
lamang na solusyón.
Answers: • The Philippines' many problems are not due to only one thing; the
reasons and causes of the problems are many, that is why they just cannot be
solved by a simple solution.
105. Noóng umpisá, makatí ang lalamunan, tapos sinipón, tapos, inubó. Waláng
lagnát noóng una, pero sa katagalan, may mataás na lagnát, at masakít ang
katawán.
Answers: • First, my throat was itchy, then I had a runny nose, then a cough. I
had no fever at first, but in the end, I had a high temperature and my body
ached all over.
106. Nakahandâ na ang mga ticket, baká ka maubusan!
Answers: • The tickets are ready. If you don't buy soon, you might not be able
to get any
107. Hanapin mo nga ang nawawala kong pitaka.
Answers: • My wallet is missing, look for it.